Home NATIONWIDE Team ng Pinas, pinuri para sa “collaborative approach

Team ng Pinas, pinuri para sa “collaborative approach

PINURI ang delegasyon ng Pilipinas para sa “collaborative approach” nito para makaabot at magkaroon ng consensus habang ipinagtatanggol ang pambansang interes.

“I would like to extend my gratitude to the Philippines’ Delegation for your cooperation in reaching a consensus regarding Agenda Item 6.2. Acknowledging the intricacies of the national context of the parties and agreeing to the requests of other parties while upholding your national interests demonstrates the collaborative spirit that is essential in negotiations. I expect that this trend will continue beyond COP 11. It was a delight to meet and collaborate with you all, particularly your distinguished Atty. Hubert Guevara,” ayon kay Dr. Nuntavarn Vichit-Vadakan, committee chair ng global treaty on tobacco control ng World Health Organization at founding Dean ng School of Global Studies in the Faculty of Public Health sa Thammasat University sa Thailand, sa isang email na ipinadala noong Pebrero 14, 2024 sa Philippine delegation.

Tinukoy ni Dr. Vichit-Vadakan si Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, pinuno ng delegasyon ng Pilipinas sa Framework Convention on Tobacco Control’s 10thConference of the Parties (COP 10), idinepensa ang posisyon ng Pilipinas sa Blue Ribbon Committee hearing sa kabila ng natanggap na “Dirty Ashtray” award mula sa isang non-governmental organization na hindi naman partido o kasama sa global conference.

“With all due respect, we were proud of how we conducted ourselves all throughout COP10. We can describe our participation in COP10 as collaborative, flexible, and consensus-building, always advocating for a way forward on deadlock issues,” ayon pa rin kay Guevara, itinanggi ang akusasyon na tumulong ang Pilipinas na hadlangan ang consensus ukol sa implementasyon ng FCTC 10 Articles 9 at 10.

Itinatwa rin niya na nagmungkahi siya ng ‘compromise option’ na mas magpapagulo sa talakayan at maging dahilan ng pagkakabalam. Sa kabilang dako, sinabi ni Guevara, na iminungkahi pa nga ng Pilipinas ang isang kasunduan na lulutas sa deadlock sa pagitan ng mga partido na nagpahayag ng kanilang hangarin para sa pagtatatag ng isang expert group at iba pa na pumapabor sa co-activation ng working group.

Sinabi pa ni Guevara na hiniling ng Philippine delegation sa Convention Secretariat na magbigay ng malinaw na paglalarawan ng magiging papel o terms of reference ng working group at grupo ng eksperto.

Tinukoy naman ni Dr. Vichit-Vadakan, Committee A chairperson, ang naging panukala ng Pilipinas bilang panimulang punto para sa middle-of-the-road path na maaaring mag-lead o maghatid sa COP sa consensus sa naturang usapin.

Ani Guevara, sa kasamaang palad, maging ang drafting group na binubuo ng state parties ay hindi nakayanan na makaabot sa consensus o isang opsyon maliban sa pagkakaroon ng exclusive expert group bilang option 1 o isang exclusive working group bilang option 2.

Binanggit naman ng chairman ang posibilidad ng huling opsyon, para ipagpaliban ang bagay na ito sa COP 11.

Gayunman, winika ng Pilipinas na hindi ito pabor na ipagpaliban ang usaping ito sa COP 11 dahil palagi itong naghahanap ng paraan para sumulong na hindi kailangan ang pagpapaliban.

Aniya pa, gumawa ang Philippine delegation ng national statements na nagpapahayag ng posisyon ng bansa sa bawat agenda item ng 10th Conference of the Parties base sa dalawang batas, Republic Act 9211 at Republic Act 11900.

Tinuran pa rin ni Guevara na bago bumalik sa Pilipinas, tinalakay niya sa lahat ng mga miyembro ng delegasyon ang tungkol sa pag -develop ng ipatutupad na balangakas para lipulin o puksain at pagaanin ang illegal na kalakalan ng tobacco at itigil ang pagbebenta ng e-cigarettes sa mga menor de edad.

Sa naging kalatas naman ng delegasyon ng Pilipinas sa COP10, sinabi nito na ang pagsasabatas ng Vape Law noong 2022 ay naglalayong i-regulate ang vapes at novel tobacco products at bawasan ang panganib o peligro mula sa paninigarilyo.

Sinabi naman ni Guevara ang kahalagahan ng “tailored, multi-sectoral approach” sa implementasyon ng FCTC, pagkilala sa iba’t ibang “national contexts” at mga prayoridad at priorities na pinuri ng harm reduction experts.

Nagpahayag naman ng pagsuporta si Professor David Sweanor, chairman ng advisory board ng Center for Health Law, Policy, and Ethics sa University of Ottawa sa pagtutol ng bansa sa pagsisikap na tanggihan ang ligtas na alternatibo para sa mga konsyumer sa ‘lethal cigarettes.’

Pinuri rin ni Taxpayers Protection Alliance (TPA) international fellow Martin Cullip ang Pilipinas para sa matatag na paninindigan pabor sa tobacco harm reduction. Kris Jose

Previous articleBalance diet mas piliin vs vitamin C drip na nakasisira ng bato – DOH
Next articleTinaguriang Marcos dummies wagi na naman sa Sandiganbayan